Subcommittee on Constitutional Amendments, planong magdaos ng mga ‘out of town hearings’ para sa CHA-CHA

Plano ng Subcommittee on Constitutional Amendments na magdaos ng pagdinig ng pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Subcommittee Chairman Senator Sonny Angara, napag-usapan nila ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gawin ang mga susunod na pagdinig sa Cagayan de Oro sa Mindanao habang sa Visayas ay pinagpipilian ang Cebu, Iloilo at Bacolod.

Magkagayunman, kukonsultahin muna ni Angara ang mga kasamahang mambabatas sa kanilang availability lalo’t malapit na rin mag-Holy Week break.


Posible namang magdaos muna ng dalawa hanggang tatlong pagdinig sa Senado para talakayin ang mga economic provisions sa public utilities, advertising, at education at tsaka sila magdedesisyon sa mga ikakasang ‘out of town hearings’ para sa CHA-CHA.

Ikukonsidera rin ng Subcommittee ang oras ng mga resource persons lalo’t isa sa mga gustong imbitahan ay si dating Senate President Franklin Drilon na hindi makadadalo sa susunod na pagdinig dahil nasa ‘out-of-town’ ito.

Facebook Comments