Subdivision na tinitirhan ni Jaclyn Jose, biglang naghigpit, fans dismayado

Dismayado ang ilan sa mga tagasuporta ng pumanaw na batikang actress na si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa tunay na buhay dahil sa paghihigpit ng Loyola Grand Villas sa Brgy. Loyola Heights, Marikina City.

Ito ay makaraang hindi magpapasok ang mga security guard ng naturang subdivision nang mga bibisita sa pinaniniwalaang tahanan na pinagbuburulan ngayon ng actress.

Nakiusap kasi ang pamilya ng actress na humihingi ng privacy at ayaw munang magambala ang kanilang pagluluksa.


Sa hiwalay naman na pahayag ng Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO), sinabi nitong naniniwala at kumbinsido ang pamilya ng batikang actress na walang foul play dahil heart attack ang ikinasawi ni Jaclyn Jose.

Kasabay nito’y nagpahayag ng pakikiramay ang pamunuan ng PNP sa naiwang pamilya ng actress na pumanaw sa edad na 59 anyos.

Facebook Comments