Subjects sa SHS, babawasan ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na minamadali na nila ang pag-simplify sa senior high school (SHS) curriculum.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, prayoridad nila ang pagbawas ng subjects sa SHS para mas matutukan ng mga mag-aaral ang work immersion.

Nais kasi ng DepEd na maihanda sa industriya ang learners kahit wala pa silang working experience.


Partikular na plano ng DepEd na ibaba sa lima hanggang anim na subjects na lamang ang core curriculum ng SHS.

Pinulong na rin ni Angara ang academic experts para sa pag-review ng mga programa, tulad ng english, science at math standards.

Wala pang timeline na ibinibigay ang DepEd kung kailan sisimulang ipatupad ang simplified SHS.

Facebook Comments