SUBJUDICE RULE | VP Leni Robredo, maghahain ng motion for reconsideration

Manila, Philippines – Maghahain ng Motion for Reconsideration (MR) si Vice President Leni Robredo para apelahin ang desisyon ng Korte Suprema na pagmultahin siya ng 50,000 pesos dahil sa paglabag sa subjudice rule.

Ito ay kaugnay ng electoral protest na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos laban sa kanya.

Sa ilalim ng subjudice rule, pinagbabawalan ang kampo nina Robredo at Marcos na talakayin ang merito ng kaso sa publiko habang wala pang resolusyon ang hinggil dito.


Siniguro ni Robredo na patuloy na tumatalima ang kaniyang kampo sa kautusan ng kataas-taasang hukuman.

Dumidepensa lamang sila sa mga kasinungalingang ipinakakalat ng kampo ni Marcos.

Tiwala rin si Robredo na malalaman magiging resulta ng vote recount kung sino talaga ang nanalo sa pagka-bise presidente.

Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) ay patuloy na binibilang ang mga boto sa Camarines Sur at Iloilo, dalawa sa pilot provinces na pinili ni Marcos.

Facebook Comments