Submarine na sakay ang 53 crew, nawawala sa Bali, Indonesia

Hinahanap ngayon ng militar sa Indonesia ang isang submarine matapos na mawala sa kasagsagan ng naval exercise sa karagatang sakop ng Bali.

Sa paghahanap, isang oil spill ang nakita sa bahagi ng dagat kung saan hinihinalang lumubog ang German-built KRI Nanggala 402.

Ayon kay Navy spokesman Julius Widjojono, maaaring indikasyon ito na may sira sa katawan ng submarine.


Sakay ng submarine ang 53 crew nito na pinaniniwalaang nasa lalim na 700 meters o 2,300 feet.

Tumutulong na rin sa paghahanap ang Singapore, Australia at India.

Facebook Comments