SUBMITTED | Mosyon ng DOJ na humihiling ng pagpapalabas ng HDO at warrant of arrest laban kay Trillanes, submitted for resolution na

Manila, Philippines – Submitted for resolution na ang motion for issuance of alias arrest warrant at hold departure order na inihain ng DOJ laban kay Sen. Antonio Trillanes.

May kaugnayan ito sa kasong rebellion na kinakaharap ni Trillanes sa Makati RTC Branch 50.

Kanina , nagsumite na ang kampo ni Trillanes ng rejoinder o kasagutan sa komento sa DOJ.


Nag-ugat ang kasong rebelyon ni Trillanes sa pagkubkob nito sa Manila Peninsula Hotel noong taong 2007.

Nabuhay ang nasabing kaso laban kay Trillanes matapos ipawalang bisa ng Malakanyang ang kanyang amnestiya dahil sa kabiguang magsumite ng requirements.

Facebook Comments