SUBMITTED | Secretary Jun Evasco, nagsumite ng kanyang COC sa Bohol

Nagbitiw na bilang Secretary to the Cabinet si Secretary Leoncio Evasco Jr.

Ito ay matapos itong magsumite kanina ng kanyang Certificate of Candidacy sa Bohol para tumakbo sa pagka-gobernador ng Lalawigan.

Sa isang pahayag ni Evasco sa media ay sinabi nito na puputulin na niya ang partisan politics sa lalawigan ng Bohol sa araw ng halalan upang maisulong ang kapakanan ng buong lalawigan at mapaganda ang buhay ng mga Boholano.


Paliwanag ni Evasco, noong tinamaan ng matinding lindol ang Bohol noong 2013 nang siya ay Mayor pa lamang ng bayan ng Maribojoc ay nabiktima ito ng Partisan Politics kaya hindi sila naambunan ng maayos na relief goods dahil hindi siya kabahagi ng Administration party.

Si Evasco ay isa lamang sa sinasabing 6 hanggang 7 cabinet secretaries na magbibitiw sa posisyon para tumakbo sa halalan kung saan kabilang dito sina dating Secretary Bong Go at Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments