SUBOK NA │Planong pagkuha muli sa Sumitomo, suportado ni Sen. Poe

Manila, Philippines – Naniniwala si Committee on Public Service Chairperson Sen. Poe na tamang direksyon ang tinatahak ng Dept. of Transportation o DOTr.

Kaugnay ito sa planong pagkuha muli sa Sumitomo para humawak sa maintenance ng Metro Rail Transit o MRT line 3.

Pahayag ito ni Sen. Poe makaraang ihayag ng DOTr na kukunin muli nito ang serbisyo ng Sumitomo kasunod ng pagbasura sa kontra nito sa busan Universal Rail Inc. o BURI.


Katwiran ni Poe, subok na ang magandang track record ng Sumitomo sa 12-taon na pamamahala nito sa maintenance ng MRT 3.

Paalala lang ni Sen. Poe sa pamahalaan, dapat tiyakin na ang maiseselyong kontrata nito sa Sumitomo o sa iba pang nararapat na kompanya ay pabor sa taongbayan at FOI-complaint.

Facebook Comments