SUBOK NA | Measles vaccine, iginiit ng DOH na subok at epektibo

Manila, Philippines – Nanindigan ang Department of Health (DOH) na subok na at epektibo ang mga bakuna kontra tigdas.

Depensa ito ng ahensya matapos ipahayag ni Doctors for Life President Dolly Octaviano na depektibo ang measles vaccine kasunod ng outbreak ng tigdas sa Zamboanga, Davao City at Taguig City.

Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, hindi maaring sabihin na depektibo ang mga bakuna dahil matagal nang ginagamit ang mga ito at aprubado pa ng World Health Organization (WHO) maging ng United Nations Children Fund (UNICEF).


Nanawagan din si Domingo kay Octaviano na huwag basta-basta magbitaw ng mga pahayag na posibleng makaapekto sa programa ng DOH.

Mahalaga aniya na maibigay sa mga bata ang mga bakuna para maiwasan ang pagkakaroon at pagkalat ng sakit.

Facebook Comments