Subpoena, ilalabas ngayong araw ng DOJ laban sa Kapa

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete na ano mang oras ay maglalabas ang Department of Justice (DOJ) prosecutors ng subpoena laban sa mga inireklamong opisyal ng Kapa investment group.

Kasunod ito ng reklamong inihain sa DOJ ng Securities and Exchange Commission o SEC laban sa Kapa-Community Ministry International, Inc. kaugnay ng sinasabing investment scam ng nasabing religious group.

Partikular na ginamit na grounds ng SEC ang paglabag daw ng Kapa officials sa Securities Regulation Code Section 8 o ang pagbabawal sa pagbebenta o pag-aalok ng securities nang walang kaukulang registration statement mula sa SEC.


Gayundin ang Section 26 ng SRC o ang probisyon  hinggil sa fraudulent transactions.

Kabilang sa mga ipinagharap ng reklamo sa DOJ ang founder ng Kapa na si pastor Joel Apolinario na sinasabing pasimuno ng malawakang investment scheme.

Facebook Comments