Naisilbi na ng Senado ang subpoena ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Bukas ay muling ipagpapatuloy ng Senate Committee on Women ang pagdinig patungkol sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Tarlac na kinasangkutan ni Guo.
Base sa dokumentong ibinahagi ng opisina ni Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros, tinanggap ng abugado ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla noong July 5 ang subpoena ng suspendidong alkalde.
Una rito ay sinubukan ng Senate Sergeant at Arms na ipadala ang subpoena order sa farm ni Mayor Guo sa Bamban, subalit ayon sa helper ng farm na si Jerry Castro, isang linggo nang hindi nagpupunta doon ang Mayor.
Samantala, wala namang gustong tumanggap sa subpoena ng mga kapatid ni Mayor Alice na sina Shiela, Seimen at Wesley Guo at maging sa mga sinasabing magulang na sina Jian Zhang Guo at Lin Wenyi.