Naipadala na ng Ombudsman ang subpoena para kina Health Sec. Francisco Duque III at Budget Sec. Wendel Avisado para pagpaliwanagin ang mga ito sa naging pagtugon nila sa COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos na mapirmahan ni Ombudsman Samuel Martires ang mga subpoena para sa naturang mga opisyal ng gobyerno.
Partikular na hinihingi ni Martires kina Duque at Avisado ay ang mga dokumento hinggil sa pinagkagastusan sa pondo na laan sa COVID-19.
Pina-iimbestigahan din ni Martires ang tungkol sa hindi pagbili ng DOH ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) para sa mga medical frontliners at ng mga medical supplies.
Gusto ring alamin ng anti-graft body ang dahilan ng pagkasawi ng mga medical frontliners na lumalaban sa COVID-19.
Facebook Comments