Hindi naipadala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena laban kay dating LTFRB Executive Assistant Jeff Tumbado.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano, bagama’t may inilabas na subpoena ang NBI ay hindi ito maihahatid dahil sa maling address sa affidavit ni Tumbado.
Ani Clavano, nakakuha ang NBI ng sertipikasyon na walang ganoong address, kung kaya’t nasa proseso pa sila ng paghahatid ng isa pang subpoena sa tamang address.
Dahil dito, pansamantala aniyang maaantala ang pagpapadala ng subpoena na ilalabas na sana sa Lunes.
Samantala, sinabi naman ni Clavano na maaari namang makipag-ugnayan sa NBI si Tumbado kung handa pa rin siyang humarap sa Lunes.
Facebook Comments