
Fuel subsidy, diskwento at pag-alis ng excise tax sa langis sa halip na magtaas ng singil sa pamasahe.
Ito ang panawagan ng ilang transport group kasunod ng pahayag ng pamahalaan na malabo pang maaprubahan ang hirit na fare hike.
Ayon kay Manibela Chairman Mar Valbuena, hindi sila kasama sa mga grupong naghain ng petisyon para sa dagdag-singil sa pamasahe.
Ito ay dahil ang mga pasahero lamang daw ang magpapasan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Sa kabila nito, ipinanawagan nila na magkaroon na lamang ng mga subsidy o discount para sa mga tsuper ng pampublikong sasayan.
Muli ring iginiit ni Valbuena na alisin na ang buwis sa langis partikular ang excise tax na napupunta lamang naman sa pagbubulsa ng iilan.
Naglalaro sa P3 hanggang P10 ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law.










