Subsidiya para sa mga mahihirap na consumer ng kuryente, pinapakinabangan din ng mga mayayaman

Lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Energy na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng nakikinabang din ang mga mayayaman sa halos isang bilyong pisong subsidiya na dapat ay para lamang sa mga mahihirap.

Base sa polisiya, ang mga residential na kumo-konsumo ng 100 kilowatt per hour kada buwan pababa ay nabibigyan ng discount.

Pero ayon kay Gatchalian, may mga report na nakikinabang sa naturang subsidiya ang mga mayayaman at kanyang inihalimbawa ang nakuhang bill mula sa condominium sa Makati at Tagaytay.


Dahil dito ay nangako ang Energy Regulatory Commission na pag-aaralan ang patakaran para sa Lifeline Power Rate Subsidy.

Inirekomenda naman ng National Electrification Administration na isama na sa cash grant ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ang subsidiya para matiyak na mahihirap lang ang makikinabang dito.

Facebook Comments