Subsidized swab test para sa mga turista, suspendido hanggang April 30 – TRB

Pinalawig ng Tourism Promotions Board (TPB) ang suspensyon ng kanilang pag-eendorso para sa subsidized reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test para sa domestic tourist.

Ayon sa TPB, ang endorsement applications para sa 50-percent RT-PCR test subsidy sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) at Philippine General Hospital (PGH) ay mananatiling suspendido hanggang April 30.

Magpapatuloy ang pagbibigay ng endorsements sa kanilang partner hospitals sa April 28 para sa mga naka-schedule na umalis simula May 1.


Pinayuhan ang mga turista na mayroong rescheduled flight at hotel bookings na ipadala ang kanilang updated booking details sa phtravel@tpb.gov.ph para sa mga naghahanap ng endorsement sa PGH at phtravel_pcmc@tpb.gov.ph para sa PCMC.

Paalala pa ng TPB, ang rescheduling ng RT-PCR test sa UP-PGH ay nakadepende sa availability ng slots lalo na at ang maximum capacity lamang ng mga ospital ay 150 approved applicants kada araw.

Sa ilalim ng subsidy, sagot ng TPB ang 50-percent ng orihinal na presyo na sinisingil ng PCMC at PGH sa RT-PCR test.

Facebook Comments