Subsidy sa mga magsasaka na apektado ng rice tariffication law, iginiit

Manila, Philippines – Kinalampag ni Senator Risa Hontiveros ang pamahalaan para bigyan ng subsidy ang mga magsasaka na umaaray na dahil sa bumabahang imported na bigas na bunga ng rice tariffication law.

Diin ni Hontiveros, mabilis ang negatibong epekto sa mga magsasaka ng pagpasok ng murang commercial rice kaya dapat ay mabilis din at sapat ang tulong at subsidy ng pamahalaan para sa kanila.

Sa pagtaya ni Hontiveros, aabot sa 42,000 pamilya ng mga magsasaka ang lalong mababaon sa kahirapan kapag hindi agad nagbigay ng ayuda ang gobyerno.


Kasabay nito ay iginiit ni Hontiveros sa National Food Authority o NFA na bumili ng bigas sa mga magsasaka, sa presyong hindi palugi, para sa buffer stock nito.

Facebook Comments