Subsistence allowance ng mga sundalo at pulis, pinatataasan ng Senado

Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo na dagdagan ang subsistence allowance ng mga sundalo at pulis sa bansa.

Sa inihaing Senate Joint Resolution No. 2 ng senador, pinatataasan ang subsistence allowance ng lahat ng mga opisyal at enlisted personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng lahat ng commissioned at non-commissioned personnel ng Philippine National Police (PNP).

Sa panukala ay itataas ang nasabing allowance sa P250 mula sa P150 kada araw.


Matatandaang sa naging pagdinig ng Senado ay binatikos ni Tulfo ang P150 kada araw o P4,500 kada buwan na subsistense allowance ng mga pulis at sundalo na aniya’y hindi makabubuhay ng pamilya.

Iginiit ni Tulfo na napapanahon na para kilalanin at bigyan ng mataas na pagrespeto ang napakahalagang papel na ginagampanan ng mga sundalo at pulis sa pamamagitan ng pagprayoridad sa kapakanan ng mga ito at pagbibigay sa kanila ng disente at sapat na kompensasyon gayundin ng makatwiran at tuluy-tuloy na benepisyo.

Facebook Comments