Subsistence allowance ng mga sundalo, itataas ng Kamara ng higit doble sa 2025 budget

Itataas ng House of Representatives ng mahigit doble ang arawang subsistence allowance ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 national budget.

Inihayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa fellowship ng mga opisyal ng Kamara at AFP sa pangunguna ni Deputy Chief of Staff Lt. Gen Charlton Sean Gaerlan, na ginanap sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.

Ayon kay Romualdez, ipapaloob ng Kamara sa 2025 budget ang P15-billion package para maitaas sa 350 pesos ang kasalukuyang 150 pesos na subsistence allowance ng mga sundalo.


Binigyang diin ni Romualdez, na ang nabanggit na hakbang ay patunay sa pagnanais ng Kamara na alagaan at tugunan hindi lang ang pangangailangan ng mga sundalo kundi maging ng kanilang pamilya.

Facebook Comments