Subsistence allowance ng mga uniformed personnel, higit sa doble ang itinaas

Higit sa doble ang itinaas sa arawang subsistence allowance ng mga pulis, coast guard, jail guards, at iba pang uniformed personnel.

Sa ilalim ng inendorsong 2026 national budget sa plenaryo, sinabi ni Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na itataas sa P350 ang daily subsistence allowance mula sa kasalukuyang P150 para maipantay ito sa natatanggap ng mga sundalo.

Ang dagdag sa subsistence allowance ay batay sa naging rekomendasyon ni Senator JV Ejercito na ilipat ang P23.7-B miscellaneous personnel benefit fund sa mahigit 333,000 na uniformed personnel ng PNP, BJMP, BUCOR, BFP at Coast Guard.

Kasama rin sa inendorso ang pagpopondo para sa dagdag na dormitoryo sa Veterans Memorial Medical Center para sa mga beterano at kanilang mga dependents.

Sinabi ni Gatchalian na pagpapatibay ito sa nais ng gobyerno na pangalagaan ang mga nagbibigay proteksyon sa taumbayan.

Facebook Comments