Isinusulong ngayon ng isang advocacy group ang pagbibigay ng “substantial ayuda” ng gobyerno sa mga mahihirap na Pilipinong naapektuhan ng pandemya.
Ayon sa Research and advocacy group na IBON Foundation, hindi sapat ang P1,000 na natatanggap ng mga low-income family na apektado ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kahit kasi niluwagan sa MECQ ang Metro Manila ay mayroon pa ring mga pamilyang hindi nakakatanggap ng ayuda.
Dahil dito, nais ng grupo na ipatupad ng gobyerno ang pamamahagi ng one-time P10,000 ayuda para sa 18 million poorest Filipino families.
Panawagan ng IBON, maraming mga pamilya sa buong bansa ang naghihirap dahil sa mas istriktong restriksyon ngunit wala umanong ginagawa ang administrasyong Duterte para matugunan ito.