FILING NG WITHDRAWAL AT SUBSTITUTION SA ELEKSYON 2022 SA ILOCOS REGION, NAGING MAPAYAPA

Naging payapa at maayos ang withdrawal at substitution para sa eleksyon 2022 sa Ilocos Region.

Ayon sa Police Regional office 1, hanggang sa huling araw ng withdrawal at substitution wala umanong naging problema sa seguridad ng publiko maging ng mga kandidato.

Sa datos ng PRO1, 74 ang nag withdraw at 34 ang nagfile ng substitution sa kalakhang rehiyon.


Pinasalamatan ni PBGEN Emmanuel Peralta, Regional Director ng PRO1 ang mga pulis sa rehiyon sa kanilang pagsisikap at kooperasyon sa nasabing withdrawal at substitution at hinihikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang nasimulan sa pagtitiyak ng ligtas at mapayapang halalan sa susunod na taon.###

Facebook Comments