Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Franciso Gamboa na kusang loob na isinuko ng mga miyembro ng Pandi Kadamay Group ang kanilang subversive documents sa mga tauhan ng Pandi Police kahapon.
Ito ay matapos ang mga ulat na umano’y tinakot ang ilang miyembro ng Kadamay kaya napilitan silang isuko ang subversive documents kung saan nakasaad umano sa mga dokumento ay mga laban sa gobyerno na kaugnay sa SONA ng Pangulo.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, hiniling mismo ni Pandi Kadamay President Lea Maralit at anim nitong mga miyembro sa Pandi Police na kunin sa kanilang kinaroroonan ang subversive documents.
Natatakot si Maralit na magamit ang mga subversive documents para sa gaganaping SONA ng Pangulo mamaya.
Ayon kay PNP Region 3 Regional Director Brigadier General Rhodel Sermonia. una nang nangako ang grupo Maralit na susuporta sa mga programa ng gobyerno para matapos na ang insurgency at magkaroon na nang matagalang pangkapayapaan sa bansa.