SUCCESS | Mahigit sa 1,000,000 estudyante nagtapos ng Sr. high school ngayong taon

Manila, Philippines – Naging matagumpay ang implementasyon ng K to 12 program ng Department of Education

Ito ang sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones sa kabila nang kaliwa’t kanang kilos protesta at mga kasong isinampa laban sa ahensya bunsod ng pagpapatupad ng nasabing kontrobersyal na programa

Ayon kay Briones sa katunayan mayroong kabuuang 1,252,357 na nagtapos at magtatapos ng 1st batch ng Sr. high school ngayong school year 2017-2018.


Sa nasabing bilang 765, 588 na mga estudyante ang piniling tahakin ang academic track habang nasa 480,000 naman ang nasa technical vocational, halos 5,000 ang nasa arts & design habang 0.17% o mahigit 2,000 estudyante ang papasok sa larangan ng sports.

Ipinagmalaki pa ni Briones na maraming Sr. high school students ang agad nakahanap ng trabaho.

Paliwanag nito katumbas na kasi ng 2nd yr college ang mindset at kakayanan ng mga sr high schools na armado ng kaalaman at kasanayan dahilan upang sila ay agad na makahanap ng trabaho

Kasunod nito tinutulungan din ng ahensya ang iba pang mga nagsipagtapos na sr high schools sa paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga job fair.

Facebook Comments