SUCCESSFUL | Sec. Cayetano, nakipagpulong sa mga counterparts nito sa Iran at Norway

Singapore – Naging mabunga ang pakikipagpulong ni Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano sa kaniyang counter parts sa Iran at Norway.

Ang pulong ay kasabay ng dinadaluhan ni Cayetano na 51st ASEAN Ministerial Meeting sa Singapore.

Sa ulat ng DFA, nabigyan ng pagkakataon si Cayetano na makaharap si Iranian Foreign Minister Mohammad Javad Zarif at Norwegian Foreign Minister Ine Marie Eriksen.


Naging pakay ni Cayetano sa kaniyang mga counter parts ang pagpapalakas na ugnayan ng mga bansa.

Inimbitahan rin ni Cayetano ang mga lider na makibahagi sa isinusulong na buil build build program ng Administrasyong Duterte.

Nag-courtesy call rin si Cayetano kay Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Kasabay nito, pinuri naman ng mga lider ng mga bansa ang pagpasa ng Bangsamoro Organic Law (BOL) at ang independent foreign policy ng Administrasyong Duterte.

Facebook Comments