SUCs, hinamon ng DA na pabilisin ang pagdevelop ng local agri-technologies sa harap ng bantang food crisis

Hinimok ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang State Universities and Colleges (SUCs) na pabilisin ang pagtuklas ng mga makabagong teknolohiya sa larangan ng pagsasaka.

Ito’y upang mapabilis ang pagpapaunlad ng ng mga bayan at rehiyon sa bansa na pangunahing tagapag-suplay ng pagkain.

Ayon kay Dar, ngayong nahaharap ang bansa sa isang global food crisis, malaki ang maitutulong ng mga SUCs dahil sa lawak ng mga lupaing nakapaloob sa kanilang nasasakupan at sa laki ng resources na hawak ng mga ito.


Sinabi pa ng agri chief na ang mga smart farms at precision agriculture ay kinakailangang mapataas upang ma-maximize ang large scale mechanization na ipinatutupad ng DA.

Ani Secretary Dar, dapat sanayin ng mga SUCs sa kanilang mga estudyante ang pamamahala sa food systems ng bansa.

Dapat aniyang linangin ang kanilang mga kakayahan sa agri-business at makamit ang professionalization ng agri-fishery sector.

Facebook Comments