Sue Ramirez at Javi Benitez, mag-on na!

106

Kinilig ang mga celebrity friends at followers ni Sue Ramirez nang mag-post ang aktres sa Instagram ng larawan nila ng rumored boyfriend na si Javi Benitez, anak ni dating Negros Occidental Representative Albee Benitez.

Batay sa caption ni Sue, miss na raw niya ang spam sandwiches na gawa ni Javi.


Tumugon naman si Javi sa post ni Sue, miss na rin daw niya ang kanyang baby at hindi na rin siya makapaghintay na magluto para rito.

Nagpahayag din ang binata ng kanyang nararamdaman sa dalaga kung saan sinabi ni Javi na mahal na mahal niya si Sue.

Ganun din ang tugon ni Sue para sa boyfriend.

Kabilang sa mga kinilig at nagkomento ay sina Liza Soberano, Barbie Imperial, Daniel Matsunaga, MJ Lastimosa, Awra Briguela, Klarisse de Guzman, Arci Muñoz, Alora Sasam, Chie Filomeno at Paolo Paraiso.

Facebook Comments