Wednesday, February 4, 2026

Sufficiency in substance ng ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM, tinatalakay ng House Committee on Justice

Patuloy na tinatalakay ng House Committee on Justice kung sufficient in substance ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inihain ng Makabayan Coalition at inendorso nina Representatives Antonio Tinio, Sara Elago, at Renee Co.

Sa kaniyang opening statement, binigyang-diin ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chairperson ng komite, na kinakailangang masuri kung ang reklamo ay nakabatay sa isang constitutional ground, at hindi lamang sa espekulasyon o usaping politikal.

Ang ground ng Masa et al. complaint ay betrayal of public trust, at tatlong pangunahing offenses ang ibinabato laban sa pangulo.

Una, ang pagpapatupad umano ng Baselined-Balanced-Managed o BBM Parametric Formula sa Department of Public Works and Highways, na ayon sa mga nagreklamo ay nagbigay-daan sa political patronage at korapsyon dahil sa paggamit ng tinatawag na “allocables.”

Ikalawa, ang kuwestiyonableng paggamit ng unprogrammed appropriations.

Ikatlo, ang umano’y pakinabang ng pangulo mula sa kickbacks at budget insertions kaugnay ng mga maanomalyang flood control projects.

Giit nina Tinio, Elago, at Co, ang mga nabanggit na aksyon ni Pangulong Marcos ay malinaw na pagtatraydor sa tiwala ng taumbayan, at sapat umano ang kanilang reklamo upang ideklarang sufficient in substance ang ikalawang impeachment complaint.

Facebook Comments