Manila, Philippines – Nababahala na ang pamunuan ng Manila Police District sa pagkakalulong ng mga kabataan na menor de edad sa sugal na karera ng kabayo sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo nagsasagawa ng operation ang mga tauhan ng Station 6 ng MPD sa Barangay 805 Zone 87 kung saan natuklasan ng mga otoridad na karamihan sa tumataya ng karera ng kabayo ay mga kabataang may edad 15 anyos pababa na nakastand-by lang sa Topacio Street Augusto Francisco sa loob ng computer shop na minsan ginagawang bagsakan ng mga ilegal na droga bukod pa sa pagsusugal ng karera ng kabayo o horse beting.
Paliwanag ni Margarejo ang mga kabataan na menor de edad na kanilang naaresto ay dinala na sa tanggapan ng DSWD para sa kanilang seguridad.
Payo ng opisyal sa mga magulang ng mga kabataang nalululong sa mga sugal bantayan ng maigi at tutukan ng husto ang mga aktibidades ng kanilang mga anak upang hindi masadlak sa masamang bisyo lalo na sa ilegal na droga.