𝗦𝗨𝗚𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗔𝗡

Nauwi sa saksakan ang Isang sugalan sa Isang lamay sa bayan ng Mangaldan.
Ang biktima ay nakilalang si Dennis Vatronil habang ang suspek ay nakilalang si Bryan Mejia.
Naganap ang pananaksak pasado alauna ng madaling araw sa lamay ng kaanak ng suspek kung saan ay naglalaro ng lucky 9 ang mga sangkot.

Sa kasagsagan ng pagsusugal ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa kung saan ay naawat din kalaunan.
Subalit nang umihi ang biktima ay sinundan pala ito ng suspek at agad na sinaksak sa likurang bahagi nito na agad namang naisugod sa pagamutan at sa ngayon ay nasa maayos nang kalagayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments