Nagtalaga si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) ng mga bagong opisyal sa Department of Agriculture (DA).
Ito ay sa katauhan ni Sugar Planter’s Representative Pablo Luis Azcona na itinalaga ng pangulo bilang acting administrator and chief executive officer ng Sugar Regulatory Administration (SRA).
Ang SRA ay nasa ilalim nang pangangasiwa ng DA.
Itinalaga rin ng pangulo si Robert Suguitan bilang Senior Deputy Administrator ng National Irrigation Administration (NIA) ng DA.
Si Robert Suguitan ay dating Internal Audit Services Department Manager ng NIA na sinibak sa pwesto noong panahon ni dating DA Secretary Proceso Alcala matapos na i-utos noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang re-shuffle sa NIA matapos madismaya sa performance.
Bukod sa DA, may itinalaga rin ang pangulo na mga bagong opisyal sa Department of Finance, Social Security System, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of National Defense, Development Bank of the Philippines at Office of the President.