Sugar Regulatory Administration, planong mag-export ng asukal sa United States

Ikinukonsidera na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na mag-export ng surplus sugar sa United States ngayong crop year 2020-2021 para mapatatag ang presyo at supply nito.

Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, pinag-aaralan na ang posibilidad na mag-export upang samantalahin ang preferential rate ng Washington.

Inaasahan ng SRA na maka-produce ng 2,190,190 metric tons ng asukal ang bansa ngayong crop year na mataas kumpara noong nakalipas na taon na 2,145,693 million metric tons.


Magsisimula ang sugar crop year sa Pilipinas ngayong Setyembre hanggang Agosto ng susunod na taon.

Una nang hiniling ng local sugar producers sa SRA noon na ipatigil ang sugar exports sa world market upang matiyak na may sapat na supply ang bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Serafica, magreresulta lang ng pagtamlay ng presyo ng asukal kapag imentina ang mataas na stock inventory lalo ngayon na bumagal ang sugar consumption at withdrawals sa mga warehouse.

Paliwanag ni Serafica, bumaba ang demand sa asukal dahil sa limited operation ng mga pagawaan ng sugar-containing products, tulad ng beverage companies gayundin ang industrial at institutional consumers dahil hindi pa fully operational.

Facebook Comments