SUGATAN | Daangbantayan Cebu Mayor Vicente Loot, sugatan matapos mabaril ang sarili

Cebu City – Sugatan si Daangbantayan Cebu Mayor Vicente Loot matapos na aksidenteng pumutok ang kanyang baril habang sakay ng kanyang sasakyan sa Barangay Lanao Daanbantayan Cebu.

Sa ulat ng Cebu Police, alas 8:40 ng gabi kagabi sakay ng kanyang Mitsubishi Estrada na may plate number ABM 8366 si Mayor Loot na patungo sana sa lamay nang biglang pumutok ang kanyang baril na nakasukbit sa kanyang beywang.

Dahil dito sugatan ang kanyang kaliwang hita na agad naisugod sa Daanbantayan District Hospital pero inilipat rin sa Cebu Doctors Hospital.


Matatandaang kamakailan lamang ay tinambangan nang hindi pa nakikilalang mga suspek ang alkalde habang kasama ang kanyang pamilya sa New Maya Port sa Daangbantayan Cebu.

Si Mayor Loot ay isa sa mga PNP General na pinangalanan noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments