Germany – Sugatan ang dalawang lalaki matapos silang silaban sa Berlin, Germany.
Nasa edad 47 at 62 ang mga biktima na sinunog ng hindi nakikilalang salarin habang sila ay natutulog sa gilid ng kalsada.
Agad na naapula ang apoy matapos na magtulong-tulong ang ilang residente gamit ang fire extinguisher.
Itinakbo naman sa pagamutan ang dalawang lalaki matapos ang insidente.
Facebook Comments