SUGATAN | Isang babae, na-hit and run sa Quezon City

Manila, Philippines – Matinding bali sa kamay at hindi maigalaw ang paa ng isang babae matapos ma-hit and run sa Mother Ignacia, Barangay Paligsahan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jane Mariel Suelto, 23-anyos, isang barista sa coffee shop sa Barangay Paligsahan.

Ayon sa katrabaho na si Licemer Hallazgo, naglalakad sila sa gilid ng kalsada at pauwi nang makasalubong ang kulay puting kotse.


Nakita nilang paparating ang sasakyan pero dahil sa bilis ng takbo nito inabutan pa rin ang kaliwang bahagi ng katawan ng biktima kahit ito ay nagtangka nang umilag.

Sa lakas impak nagkalat sa kalsada ang headlight ng tumakas na kotse habang matinding pinsala sa siko at paa ang inabot ng biktima.

Dinala na si Suelto sa Capitol Hospital habang sinisilip na ang mga kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang plaka ng kotseng nakabangga sa biktima.

Facebook Comments