SUGATAN | Police official sa Cagayan de Oro City, pinagbabaril

Cagayan de Oro – Sugatan ang isang Police Official matapos na pagbabarilin sa Cagayan de Oro City kaninang umaga.

Sa ulat ni Cagayan de Oro Police Provincial Directr Sr Supr Nelson Aganon alas 9:45 ng umaga kanina nang pagbabarilin ang biktima.

Kinilala itong si Police Supt Michael Jhon Quirante Deloso nakatalaga sa Regional Police Strategy Management Unit ng PRO 10.


Nakasakay aniya ng puting Nissan Van ang biktima nang pagbabarilin ng mga suspek sa Luna Street, Provincial Capitol Ground, Cagayan de Oro City.

Naisugod na ito sa Northern Mindanao Medical Center at ngayon ay patuloy na ginagamot matapos magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyanh katawan.

Batay naman sa initial background investigation ng PNP, lumalabas na noong hepe pa ng Traffic management unit ng PRO 10 ang biktima ay nahuli na ito dahil sa extortion.

Facebook Comments