Sugatan sa marahas na dispersal sa Spain, mahigit 700 na

World – Pumalo na sa 761 ang mga nasugatan sa marahas na dispersal ng mga pulis sa grupo ng mga residente ng Catalolina, Spain na bumoboto para sa isang independence referendum.

Ilang mga riot police ang pinasok ang mga voting precincts at pinagtataboy ang mga botante sa pagsisikap na pigilin ang pagsasagawa ng botohan.

Ayon kay Spanish Prime Minister Mariano Rajoy, pinaputukan ng mga rubber bullet ng mga pulis ang mga biktima na nagtangkang pigilin ang botohan para sa independence referendum.


Sa independence referendum, pagobobotohan kung nais ng publiko na tuluyang humiwalay ang Catalonia mula sa Espanya.

Gayunman, sa desisyon ng hukuman sa Spain, idineklarang iligal ang pagsasagawa ng referendum kaya’t tinatangka itong pigilin ng Madrid.

Facebook Comments