Sugatan sa sumadsad na barko sa Romblon, umabot na sa limampu

Manila, Philippines – Umabot na sa 50 tao ang sugatan matapos sumadsad ang M/V Maria Matilde sa karagatan ng Romblon kahapon.

Sa interview ng RMN kay Romblon PDRRMO, Engr. Tony Sarsona – nagtamo lamang ang mga ito ng minor injuries habang isa na lamang ang nagpapagaling sa ospital.

Aniya, hindi ito ang unang beses na may barkong sumadsad sa lugar.


Nabatid na sumadsad sa isla sa bahagi ng Calatrava, Romblon ang barko patungo sa Romblon port galing odiongan port para ihatid ang ilang pasahero ngaling Batangas.

Sa lakas ng impak, nayupi ang unahang bahagi ng barko.

Patuloy na iniaalam ng Philippine Coast Guard (PCG) ang naging sanhi ng pagsadsad.

Facebook Comments