SUGATANG DOLPHIN SA CURRIMAO ILOCOS NORTE, NASAGIP

Sugatan ang bibig at puno ng gasgas sa katawan ang natagpuang dolphin na na-stranded sa baybayin ng Brgy. Pangil, Currimao , Ilocos Norte.
Tinukoy ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 ang marine mammal na isang Pantropical Spotted Dolphin na natagpuang noong April 30.
Kasalukuyang ginagamot ng awtoridad ang sugatang dolphin hanggang sa maging handa sa tuluyang pagbalik sa karagatan.
Nanawagan naman ang tanggapan ng karagdagang volunteers upang mapabilis ang recovery ng dolphin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments