Sugatang miyembro ng SAF dahil sa engkwentro sa Camarines Sur, binigyang pagkilala ngayong Araw ng Kagitingin

Kinilala ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) ang katapangan at kabayanihan ng isa nilang miyembro matapos masugatan sa engkwentro sa pagitan ng Communist Terrorist Group sa Brgy. Agao-Ao, Ragay, Camarines Sur kamakailan.

Personal na binisita at ipinagkaloob ni SAF Director MGen. Bernard Banac ang Medalya ng Sugatang Magiting kay PCpl. Jason Jalvez ng 9th Special Action Batallion sa PNP General Hospital sa Kampo Krame.

Ayon kay MGen. Banac sa gitna ng 15 minutong labanan, si Cpl. Jalvez at ang kanyang mga kasamahan ay nagpakita ng lakas ng loob at determinasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan sa nasabing lugar.


Matapos ang engkwentro narekober ng mga awtoridad ang mga baril, bala at iba pang kagamitan ng mga makakaliwang grupo.

Ngayong Araw ng Kagitingan, ayon kay Banac, magsisilbing pagkilala ito sa kagitingan at sakripisyong ipinakita ng mga magigiting na pulis sa bansa na iniaaalay ang kanilang buhay para sa bayan.

Facebook Comments