SUGATANG PAWIKAN NA NARESCUE SA LUNA, LA UNION, UNTI-UNTI NANG GUMAGALING

Patuloy ang healing journey ng inahing hawksbill turtle na naisalba sa Darigayos, Luna, La Union matapos matagpuang nakapulupot sa isang lambat.

Ayon sa ulat, posible umanong pabalik na ang pawikan sa dagat matapos makipagmate at nakulong sa lambat dahilan ng buoyancy disorder at nabaling flipper nito.

Sa kabutihang palad, agad siyang na-rescue ng Bantay Dagat at itinurn-over sa mga awtoridad kung saan sinagot ng isang veterinary clinic ang gastos sa paunang panggagamot.

Pinangalanan ang pawikan na “Asha,” isang salitang mula sa Sanskrit na nangangahulugang pag-asa. Ang pangalang ito ay sumasalamin sa kanyang kuwento—isang simbolo ng pagbangon, ng posibilidad na makabalik sa kanyang natural na siklo ng buhay, at ng patuloy na laban para sa kaligtasan ng ating mga yamang-dagat.

Muli, pinatunayan ng mga Pilipino na ang malasakit at pagmamahal ay hindi lamang para sa kapwa-tao, kundi pati sa mga nilalang na tahimik na nakikipaglaban para mabuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments