Sugatang Pulis dahil sa Pananambang, Ginawaran ng ‘Medalya ng Sugatang Magiting’; Reward Money Inilaan

50

Cauayan City, Isabela- Naglaan ng pabuya ang pamunuan ng Police Regional Office 2 (PRO2) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na halagang P300,000 para sa makakapagturo kung sino ang mga nasa likod ng nangyaring pananambang kay Deputy Chief of Police PLT. Randy Baccay ng PNP Peñablanca at kanyang mga tauhan pasado alas-syete kagabi sa Sitio Dalayat, Brgy. Minanga, Lagum Area.

Nagkaloob ng P200,000 si Cagayan Governor Manuel Mamba habang P100,000 mula kay kay PRO2 Regional Director PBGen Crizaldo Nieves.

Hakbang ito ng pamunuan ng pulisya at provincial government ng Cagayan para agad na matukoy ang nasa likod ng pamamaril kay Baccay at mga tauhan.


Nangyari ang pamamaril habang nagsasagawa ng anti-illegal logging operation ang tropa ni Baccay.

Samantala, ginawaran naman ng ‘Medalya ng Sugatang Magiting’ si Baccay makaraang magtamo ito ng tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Ayon naman kay Mamba, patunay lamang ito na halang ang mga nasa likod ng illegal logging sa bayan ng Peñanblanca.



Sa kasalukuyan ang nagsasagawa pa rin ng manhunt operation ang tropa ng pulisya sa mga suspek.

Facebook Comments