SUGGESTED RETAIL PRICE | Gobyerno at rice stakeholders, may napagkasunduan nang SRP sa bigas – ayon sa DA

Manila, Philippines – May napagkasunduan nang Suggested Retail Price (SRP) sa bigas ang gobyerno at mga rice stakeholder.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol.

Sa local rice, ang regular-milled ay may SRP na P39 at P44 naman para sa well-milled rice.


Wala namang itinakdang srp para sa special rice habang pag-uusapan pa ng NFA council ang SRP para sa premium rice.

Sa imported rice naman, ang 5% broken rice variety ay may SRP na P40 habang P37 para sa 25% broken rice.

Target na maipatupad ang SRP sa bigas sa October 23.

Facebook Comments