Suggested Retail Price ng ilang noche buena products, inilabas na ng DTI

Manila, Philippines – Ngayon pa lang ay inilabas na ng Department of Trade and Industry ang Suggested Retail Price ng ilang produktong pang-noche buena.

Sabi ni DTI Usec. Ted Pascua, ipa-publish nila ito ngayong weekend, ibig sabihin – ito na rin ang presyo ng mga manufacturer hanggang sa December 31, 2017.

Nabatid na may ilang items ang tumaas ang presyo tulad ng hamon (ham) at cream pero bumaba naman ang presyo ng ilang brands ng pasta kumpara noong nakalipas na taon.


Ayon naman kay Steven Cua, presidente ng Philippine Amalgamated Supermarket Association na mapapako na ang presyo ng mga noche buena item.

Magde-depende aniya ito sa suplay at presyo ng mga pinagkukunan nila ng produkto.

Isa pa aniya, tumaas din kasi ang sweldo ng mga manggagawa kaya may dagdag gastos ang mga negosyante.

Facebook Comments