Para mapigilan ang pagtaas ng presyo at mapanatiling sapat ang supply ng pulang sibuyas sa mga palengke bansa, inutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Department of Trade and Industry (DTI) na magtakda ng suggested retail price (SRP) sa pulang sibuyas.
Dahil dito, simula ngayong araw, December 30, ipapatupad ng DTI ang SRP ng pulang sibuyas na 250 pesos kada kilo.
Ayon sa pangulo, patuloy na imo-monitor ng DTI ang presyo ng sibuyas, habang naghahanap ng paraan ang gobyerno na maibenta rin sa mga palengke ang smuggled na sibuyas upang mabawasan ang problema sa supply ng pulang sibuyas sa bansa.
Una nang nanawagan ang ilang mambabatas na imbestigahan ang mataas na presyo ng locally produced na sibuyas lalo’t sandamamak naman ang imported varieties ng sibuyas at smuggled sibuyas sa bansa.