Suggestion ng UN CHR na imbestigahan ang mga patayan sa bansa, matagal nang ginagawa ng gobyerno ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na iniimbestigahan naman ng gobyerno ng Pilipinas ang mga patayang nangyayari dito sa bansa o ang umanoy extra judicial killings.

Ito ang sinabi ng Malacañang bilang reaksyon sa suhestiyon ng United Nations Commission on Human Rights na imbestigahan ang mga nangyayaring patayan sa bansa at ilaglag na ang pagsusulong ng pagbuhay sa parusang bitay sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, lahat ng kailangang imbestigahan ng pamahalaan ay iniimbestigahan.


Sinabi din ni Abella na lahat ay dapat dumaan sa tamang proseso ng batas o due process.

DZXL558

Facebook Comments