SUGOD! | Grupo ng health workers, magpo-protesta sa harapan ng PGH

Manila, Philippines – Lulusob ang Alliance of Health Workers sa harapan ng Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue Ermita Manila upang igiit ang kanilang mariing pagtutol sa Executive Order 51 na pinirmahan kamakailan ni Pangulong Duterte.

Kakalampagin ng mga nurses, doktors at mga HEALth ang pamunuan ng PGH para ipabatid na ang pinirmahang EO ni Pangulong Duterte ay anti workers at pro-capitalist dahil kapakanan lamang anila ng mga negosyante ang inuuna ng Pangulo.

Kinukondena ng grupo ang hindi maka manggagawang pagtrato ng Pangulo sa mga health workers at ilang mga manggagawa dahil mas pinaprayoridad lamang anila ng Pangulo ang mga malalaking negosyante sa bansa.


Giit ng alliance of health workers simula o patikim palamang ang kanilang gagawing kilos protesta mamayang alas dyies ng umaga upang iparating sa gobyerno na hindi sila natutuwa sa ginawang pagpirma ng Pangulo sa Executive Order (EO) na nagpapahintulot na wakasan na ang kontrakwalisasyon.

Naniniwala ang grupo na na pressure lamang ang Pangulo sa mga isinagawang kilos protesta ng mga iba’t-ibang grupo kaya nagawa nitong pirmahan ang EO na sa tingin nila ay walang bago sa umiiral na batas.

Facebook Comments