Suhestiyon na palawigin ang martial law sa Mindanao, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Iginagalang ng palasyo ng Malacañang ang anomang suhestiyon ng Armed Forces of the Philippines na makabubuti sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni AFP Spokesman Major General Restituto Padilla na posibleng mapalawig pa ang Martial Law sa buong Mindanao kung hindi tuluyang mapupuksa ang mga teroristang grupo doon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, alam ng AFP ang sitwasyon sa Mindanao kaya mayroon itong mga basehan kaya ganito ang kanilang suhestiyon para matiyak narin ang seguridad ng mamamayan.
Ang mahalaga aniya ay natitiyak ang seguridad ng mamamayan lalo na ang mga nasa Mindanao kung saan nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Pero sinabi din naman ni Andanar na si Pangulong Duterte parin ang huling magpapasiya kung ano ang magiging kahihinatnan ng Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments