
Makinig sa taong may sense.
Ito ang sagot ni Palace Press Officer Claire Castro sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na makaluma umano ang Philippine National Police (PNP), dahil naktutok pa rin ito sa pag-papaigting ng police visibility sa mga kalsada, sa halip na gumamit ng modernong teknolohiya.
Ayon kay Castro, matagal nang ginagawa ng PNP ang suhestiyong ito ni VP Sara.
Gumagamit na aniya ang PNP ng drones at CCTV camera, upang mas lumakas ang kanilang operasyon sa mga komunidad.
Giit ni Castro, bukas naman aniya sila sa mga suhestiyon, lalo na ang mga opsyon na credible at makabuluhan.
Welcome din aniya si VP Sara na magtungo sa PNP at malugod nilang ibabahagi ang kanilang deployment.
Facebook Comments









