Suhestyon ng DILG na isapubliko ang narco-politicians list, pabor kay PRRD

Manila, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suhestyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maglabas ng listahan ng narco-politicians ngayong 2019 midterm elections.

Ayon kay Duterte, sang-ayon siya sa mungkahi ni DILG Secretary Eduardo Año, pero iiwanan na niya sa ahensya ang desisyon.

Una nang sinabi ng Malacañang na susuportahan ng Pangulo ang hakbang lalo si Duterte na mismo ang naglabas ng listahan noong unang taon niya sa panunungkulan.


Pero nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang listahan ay dadadaan sa masusing beripikasyon at pagbusisi upang walang inosenteng kandidato ang masasama.

Nabatid noong nakaraang taon, naglabas na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng listahan ng narco-politicians bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Facebook Comments